Wednesday, August 09, 2006

MALIGAYANG KAARAWAN INA! HAHAHA :)

Hehe. Ikaw ay tumatanda na :) sabi ko sayo wag mong kalimutang imbitahan si ama at islao! Hainaku. Nagtampo tuloy sila. Hehehe.

So, hayun na nga. Nagising nanaman ako isang oras past ng dapat ko talagang igising. Dapat makakarating ako sa paaralan ng 7:30, ngunit nung nakarating na ako sa sakayan, nalaman ko na lamang na nakalimutan ko pala ang aking ID! Buwiset. Hayun, kinailangan kong bumalik sa bahay. Dapat pala naghintay ako ng mga 10 minuto sa bahay bago ako umalis. Haha. Nakarating tuloy ako sa paaralan ng 7:50. Eh namumuhi naman ako na pumasok sa TLE ng ganung oras, kaya tumambay na lang ako sa cr ng 5 minutes, tapos pumunta ako sa silid aralan at bumalik sa CR. Nang nalaman ko na mayroon na lamang isang minutong natitira, bumalik na ko sa classroom ngunit parang sadyang kay tagal ng oras. Hayyyyy.

Hayun. Nag-physiks na. Ginawa lang namin yung activity namin tapos nag-quiz kami. Haha. Hanggaling. Nakaperfect siguro ako. haha. Sana nga. Ewan ko ba bakit ang init ng dugo ni Gng. Martin sakin. Hahaha. Pero joke joke joke lang. Kasi nagtatanong ako kung saan susukatin yung anggulo ng replacement vector, tapos sinagot na niya. Pagkatapos nun tinanong ko kung anu yung direksyon ng anggulo, tas sabi niya kung saan ko daw mineasure, iyun yung anggulo, sabay hirit ng "Pinagiinit mo na naman ulo ko alam mo naman umiitim ako pag umiinit ulo ko!" Hahaha. Gaguhan amf.

Anu pa ba? Matematika, gumawa lang kami ng seatwork. Haha. Nakisabat ako sa usapan ni Glenn at Kathryn, kasi narinig ko. Sabi ba naman ni Glenn, "Bakit ang babae ang hilig magpa-asa?" todo react naman si Kathryn. "Baliktad ata!" Tas sabi ko "Tama ka!" HAHAHA. Totoo naman eh. Baliktad kaya. Ang mga lalaki, sasabihin nila sa babae yung "nararamdaman" nila, pero pag hindi nila naramdaman na may pag-asa sila, bigla na lang mawawala. Bigla na lang mag-gigive up. Bigla na lang susuko. Ni hindi man lang nila isiguro na wala nga silang pag-asa. Saklap diba?

Hay, ewan. Ang komplikado talaga ng aspeto ng buhay na yan. Hayun, sa Ekonomiya, pinagusapan lang namin ang mga presidente at kung ano ang ginawa nila para sa ekonomiya ng bansa. Lintek, antok na antok na ko sa subject na yun. Haha. Tingin ko nga nakita ako ni Gng. Ortiz na natutulog. Ahihi. Bwiset.

Sa MAPEH! Lintek. Kadiri. Pinagdrowing kami ni Gng. Flores. Basta. Ang laswa. Haha. Ang saya nung binunot namin ang mga damo sa labas. Leche. Haha. Gusto ko pa naman maglaro, kaso wala ng oras. Kaazar ah.


nagfi-feeling model. =D

Ang sabi ni Bossing guard, umalis na daw si Itay at si Dinolan! Yung dalawang yun pa naman ang pinakapaborito kong guard sa school! Parang ang sungit ng bagong guard ngayon eh. Bakit kaya sila umalis? Sabi ni Bossing tumama daw sa lotto. haha. Siraulo! Mamimiss ko si Itay :(

Ang saya ng kaarawan ni Ina! Ahehe :) pulbusan nanaman. Nakakaazar nga si Ralph at Fornal. Kung makalagay ng pulbo sa mukha namin akala mo wala ng bukas. Leche. Babad kaya kami. AMF. Ahem. May nagde-date nun eh. Sino kaya? Haha :)


powder!
uuuyyy. ;)
zaih. bevs. mar.
HAPPY B-DAY MICHELLE!
bevs umacrobat. AHEHEH.
last pic.

0 comments: