Plano ko sanang gumising ng alas kwatro ng umaga dahil gusto ko nga mag-upload ng mga larawan sa multiply, ngunit naunahan ako ng katamaran ko. Namulat ang aking mga mata ng mga bandang 4:20, pero natulog ulit ako. Nagising na ulit ako pagkatapos ng mahigit sa dalawang oras. Noon ko lang nalaman na malelate na pala ako. HAHAHA :) Nagmadali ako, ngunit hindi pa rin inabot. Alam ko, 7:30 na ko nakarating sa paaralan. (Ang klase namin ay nagsisimula ng alas siyete.) Ahehe. Pero likas na mahal ako ni Salvador. Hindi niya ako pinagalitan. Heto, ibabahagi ko sa inyo ang sikreto ko. Tuwing nagdi-discuss ang teacher, sumabat ka lang ng hindi nagtataas ang kamay. Applicable lang to doon sa mga estudyanteng nakaupo sa first or second row. Haha. Kasi ako, biruin mo, kararating ko lang, sumabat na agad ako sa talakayan nila kaya medyo natuwa naman si Salvi. Hayun, bati na ulit kami. HAHA. Akala ko kasi, sasabihan nanaman niya ako ng "Si Ballesteros, laging late!". Mataas pa naman ang ekspektasyon sakin ng gurong yun.
Pagkatapos ng TLE ay nageksperiment na kami sa Physiks. Hahaha. Hindi ako marunong gumamit ng kompas. Yung kompas na may N, E, W, at S ha? Hindi yung may lapis. Hahaha. Lintek, dinaya lang namin yung unang graph namin ngunit nahuli kami ni Martin kaya't kinailangan namin itong ulitin. Haha. Buti na lang at natagalan ang pagsasagawa nito, kaya't hindi na nakapagdiscuss pa si Gng. Martin. Hayun, at sinayang namin ang aming recess sa pag-gawa ng activity na iyon.
Pagkatapos ay Matematika. Lagi kong naeenjoy ito, lalo na't algebra ang pinaguusapan. Wala lang. Nafa-fascinate lang ako. HAHAHA. Pero pag humirap na, ayoko na. Madali lang naman kasi ang pinag-aaralan namin. Ayun, maikling pagsusulit. Alam ko nagawa ko naman iyon ng maayos, kaya sana ay pumasa ako. :)
Sa Ekonomiya, nagtalakay lang kami tungkol sa mga kolonisasyon. Meron kaming takdang aralin ngunit tinatamad na akong gumawa, at inaantok na nga ako. Kaya kokopya na lang ako bukas sa makokopyahan. Madami naman jan. Haha.
Ingles. Natutuwa talaga ako kay Gng. Jabal. HAHAHA. Napakasaya ng talakayan namin. Pinaupo niya si Justin sa gitna sapagkat siya ay natutulog nanaman. Simula sa Huwebes, lahat ng mga estudyante na sinaway niya ay tatayo sa gitna upang kumanta. Ang mga tulog naman ay sasayaw. Hahaha. This should be fun. :)
Napakaboring talaga ng Filipino. Medyo umidlip na ako ng mga isang minuto ngunit pinipilit kong gumising dahil baka mahuli ako. Nagkaroon nga din pala kami ng maiksing pagsusulit ngunit ako ay bumagsak, along with everyone. Haha. Sige na nga, not everyone, pero majority, bagsak talaga. Nakakabagot kasi basahin ito. Palaktaw-laktaw pa ang pagtalakay namin. Hindi na lang ginawang ayon sa Kabanata. Hayyy. ANG DAMOT NI DELOT. Sinabi ko sa kanya na bigyan ako ng sagot ngunit hindi niya ako binigyan. Kunyari pa siya hindi alam pero nakakuha siya ng 6 na tama samantalang ako ay naka 3 lamang. HAHAHAHA. HANEP NA ISKOR YAN.
Sa Research. PHILIPPINE ISLAND! NAKAKAPANLUMO. Kung alam niyo lang kung gaano kahirap yung mahabang pagsusulit na iyon. Dumudugo na ilong, tenga, at mata ko sa kaiisip ng tamang isasagot. LECHUGAS. Kahit yung essay, hindi ko nasagutan. Ano naman nga ba ang pagkakaiba ng Research sa Teknolohiya? ANLAYO KAYA? Sabi ko nga kay Gng, dapat similarities na lang ang hiningi niya. May maisasagot pa siguro ako. Hahaha. Yung parts ng chapter 1 lang siguro ako nakatitiyak na may tama. Kahit isa lang. Hahaha. ANG HIRAP TALAGA.
OY! Alam niyo ba ang nakakatouch na pamatay? Sinabi niya sa II-Narra(?) o Sampaguita (hindi ko na matandaan): "Bakit hindi niyo ko mapasaya katulad ng RIZAL? Pinapasaya ako ng RIZAL. Itanong niyo sa kanila kung gaano ako kasaya kapag nagtuturo ako sa kanila." (or words to that effect) WAHAHAHAH! Score! AYLABYU JABAL. HAHAHA. Ikaw talaga ang pinakapaborito kong guro kahit kailan. Sana lagi kang ganyan!
Sa Calculus naman. Group work. Pero masaya. Ang dali ng lesson infairnez! Hayun, nag quiz kami. Nagkakantahan sila Ralph ng mga kantang BOYBAND. Alam niyo yun? Mga, UPTOWN GIRL, LIKE A ROSE, HEAVEN BY YOUR SIDE, mga ganun. Tapos, si Gng. Jadaone, bumanat: "WHOOO! /m\" SERYOSO. Nag-rocker sign siya! HAHAHAHA. Sabay tawa. AMFF. HAHAHA. Tapos pinagusapan namin kung totoo yung "Genius is 99% perspiration and 1% inspiration." Tapos sabi niya totoo daw. Katulad na lang sa pagmamahal. Kaya inilagay ng Diyos ang utak ABOVE sa puso dahil ito dapat ang unang pairalin. MIND OVER HEART kumvaga.
Sabagay. Ako, ginamit ko utak ko. Oo mahal ko siya, pero hindi dapat eh. Kaya heto, luhaan sugatan di mapakinabangan sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam... haha. KUMANTA? Basta. Tama si Mam. MIND OVER HEART. ALWAYS.
Ay, hindi pala ako naglinis. AHEHEHE. BRO, kapag ako inilagay mo sa blacklist uupakan kita. At least nag-stay ako. HAHA :)
Sa McDo, wala. Ano nga ba? Tawanan lang eh. Pumichur-pichur nanaman kami syempre. HAYYY. Kailangan ko ng MATULOG!

0 comments:
Post a Comment