Pinilit kong bumangon oras na nagising ako dahil natatakot akong hindi makapag maiksing pagsusulit sa Physika. Dahil ang sabi ng Gng. Martin, ibibigay niya ito eksaktong alas siyete ng umaga. So siyempre, naniwala naman ako. Ok lang. Gusto ko na kasing mag-bagong buhay. Ayoko ng masabihan ng "maaga ka para bukas/para sa recess". HAHA.
Habang ako ay bumabiyahe at nasa loob ng jeepney, todo-basa naman. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil nakabuklat ang libro sa aking kandungan habang minememorya ko ang mga maaaring lumabas sa pagsusulit. Nag-init pa ulo ko dahil sa isang bagay. Basta. Hindi ko na sasabihin. Napagbuntungan ko tuloy ng galit si bro. BRO, sorry ah. Nasigawan ko kasi siya. Haha. Sabi ko "Lumayas ka nga jan!" dahil nakaupo siya sa aking upuan. Sabi niya "Ayoko!" at sabi ko naman "Umalis ka na bago pa kita makotongan mainit ulo ko ah." HAHA :) Sana naintindihan mo bro.
Hayun. Bumili muna ako ng buttercream sa kantina dahil hindi ako nag-agahan. Kinakain ko ito habang nag-aaral. Parang hindi ko pa nga matandaan masyado mga binabasa ko sa sobrang pagkairita ko. Natatawa nga ako dahil nung dumatin na si Gng. Martin, lahat ay nataranta. Pagkatapos, tumayo na para kantahin ang pambansang awit. Nakalimutan ko na kasunod pala ang Loyalty Song ng aming paaralan, kaya't pagkatapos ng Lupang Hinirang, itinaas ko kaagad ang kanang kamay ko, handa ng manumpa. HAHA. Nagulat na lang ako ng marinig ko ang Roosevelt college, our beloved school... LECHE.
Madali lang ang pagsusulit. Naka perpekto ako =D galing. Pagkatapos ay gumawa kami ng seatwork tungkol sa mga graph. Leche. Tinawag ang ilang kalalakihan sa harap para mag-eksplika dahil maingay sila. Buti nga. Dapat, ang gagawin ni Gng, bubunot siya sa mga papel namin. Haha. Masaya naman eh. Hindi niya makuhang magalit sa amin ng lubusan.
Matematika, kami ay sumeatwork. Katabi ko si Fernan. Nag-uusap kami tungkol sa pelikulang I AM SAM. Naalala ko tuloy. Nakakalungkot talaga ang pelikulang ito. Sobrang iyak ko habang pinapanood ko ito eh. :( Ginagaya pa niya yung pananalita ni Sam. Haha. Nakakatawa siya mag-ingles. Nag-iiba ang boses niya eh. haha. Nagiging animated.
Eto na. Dito na gumuho ang mundo namin. Haha. Pagpasok ni Gng. Jabal, nakasimangot siya. Eh double period pa naman. Sinong mag-aakala na magpapaseatwork siya ng Research? Eh wala naman kaming Research tuwing Biyernes! Hindi ko dala ang notebook ko dahil hindi ako nagpasa kahapon. Putek. Gumawa tuloy ako. Salamat na lang at mayroong notebook si Guinina Eroles. Sponsor. haha. At ang iba ko pang sponsors: Sofia Von Possel for the colored pencil, Kathrine Nabuya for my plastic cover, and Guinina Eroles once again for my bond paper. Mahal ko kayo. HAHAHA. Bwiset >.< Sabayang Pagbigkas namin! Pag ako naasar hindi na ko sasali. AMF. Siyempre, last minute nanaman. Andami kasing pumapapel! Mga lumaki ulo. PUTEK TALAGA. Kayo kayo na lang. Tutal gusto niyo naman eh. Magaling kasi kayo eh. Ina niyo. Sarap niyo ibaon.
Calculus, nagkaroon kami ng pagsusulit. Madali lang naman. Naalala ko na kung sino yung sinasabi kong katunog ni Fernan pag nagsasalita! Yung lalaking naka-braces sa Ed, Edd, and Eddy! Hahaha. Yung laging may dalang kahoy? Iyon. Kaboses niya. Hahahaha.
Sa Interact, nagkasundo ang lahat na magbabayad ng limang piso tuwing Lunes at Biyernes. Leche. Ang mahal. Haha. Saan naman kaya gagamitin yun?! Buti kung isasama yun sa ipambabayad namin sa Punta Fuego. Pustahan tayo walang masyadong makakasama. ISANG LIBO? ISANG ARAW? Para ka naring... hay ewan. Ayoko magsalita. Pero gusto ko talaga sumama. =
ANG ARTE/FEELING TALAGA NG HINAYUPAK NA YUN. Putek. Pakamatay ka na kaya? FEELING MO MAGANDA KA. ULOL. Umangat ka lang dahil sa ginawa kong issue na wala namang katotohanan. Iniisip mo maraming nagkakagusto sayo? Haha. Pinaglalaruan ka lang nila dahil nga masyado kang bigay na bigay. Kung alam mo lang mga pinagsasabi ng mga lalaking "may gusto sayo". Tignan natin kung isipin mo pa na meron nga. Bumalik ka na nga sa pinanggalingan mo! Wala ka ngang kaibigan dito eh. Leche. Ugh. Feel na feel mo.
Pagkatapos ng mga meeting ay nagpunta kami kela Aiko upang manood ng DVD. Papanoorin sana namin ang Longest Yard pero sira yung CD, kaya Wrong Turn na lang ang pinanood namin. Putek. Walang kwenta. Nakakagulat lang. Pero hidi nakakakot. Kadiri kasi eh. Tsaka yung mga itsura nung monsters! GAHHHH. Haha. Nakakatuwa si Tracy. May crush ata sakin. Hahaha!

AMF.
0 comments:
Post a Comment